top of page

Pagibig na Inayawan

Heto na naman ako, naghihintay na naman sa liwanag ng bukas,
Sa pagtatapos ng napakalungkot na gabing ito.
Hinihintay na baka dumating pa ang panahon
Na ang " TAMA " ay mapalitan na ng " PWEDE ".
Mahal, kaylan kaya makakahinga ng maluwag itong mga unan ko,
Itong mga unang basa at kaawa-awang saksi sa bawat pagpatak ng mga luhang hinahanap parin ay ikaw.
Maibabalik pa kaya natin ang tamis ng kahapon?
O hahayaan na lamang itong tangayin ng agos ng kasalukuyan?
Bubuhayin pa kaya itong pag-ibig nating pilit pinapatay ng pagkakataon?
O hahayaan mo na lang akong masugatan at patuloy na ipaglaban
Ang pag-ibig nating inayawan mo na?
Mahal, bakit kaylangan mong iparamdam na ayaw mo na?
Bakit pilit mo pang inuukit sa puso ko
ang mga katagang " tama na "
Hindi ko naman ipagpipilitang ipagpatuloy pa
Itong pag-ibig nating isinuko mo na.
bottom of page